^

Bansa

‘Prayer for the Nation’

-

Sa paniniwalang divine intervention lang ang pag-asa ng bayan, magtitipon-tipon ngayong hapon sa Luneta Park ang tinatayang mahigit milyong mananampalataya upang sabayang ipagdasal ang bansa na nasasabak na naman sa krisis pampulitika.

Pangungunahan ni Chief Justice Reynato Puno ang mga kasamahan sa Supreme Court, mga justices sa Sandiganbayan at mga miyembro ng Judicial and Bar Council ang pagdadasal para sa judiciary system ng bansa na tila masasabak sa pagsubok dahil sa ZTE scandal.

Matatandaang nakabinbin pa ngayon sa Supreme Court ang kaso laban sa National Broadband Network project na sinasabing may bahid ng matinding bribery.

Magkakaisa naman sa unang pagkakataon ang mga Obispo ng Simbahanag Katoliko at evangelical churches sa ilalim ng Philippines for Jesus Movement sa paglalayong ipagdasal ang bansa na magkakaroon ng political at economic stability sa gitna ng bagong kontrobersiya dala ng ZTE scandal at walang katapusang “Hello Garci” scandal.

Ang makasaysayang prayer gathering na ito ay selebrasyon ng ika-29th anniversary ng Jesus Is Lord (JIL) Worldwide Movement.

Mula sa hanay ng Simbahang Katoliko ay inaasahang dadalo si Novaliches Bishop Antonio Tobias at ang ilan pang mga Obispo at pari. Babasahin din ni Bishop Tobias ang mensahe nina Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal, ang highest ranking prelate ng Simbahang Katoliko at Jaro (Iloilo) Archbishop Angel Lagdameo, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

ARCHBISHOP ANGEL LAGDAMEO

BISHOP TOBIAS

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE

CEBU ARCHBISHOP RICARDO CARDINAL VIDAL

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

PLACE

SIMBAHANG KATOLIKO

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with