^

Bansa

China inaamo ng Pinas sa NBN deal

-

Muli umanong sinusuyo ng pamahalaan ang Chinese government matapos na pansamantalang isus­ pinde ang maanomalyang kontrata para sa National Broadband Network (NBN) project. Sinabi ni Justice Acting secretary Agnes Devana­dera, nagtala na ang Pa­ngu­long Arroyo ng mga opisyal ng gobyerno na makikipag-usap sa ZTE Corporation upang ipali­wanag kung bakit kaila­ngang suspendihin ang kontrata.

Ang nasabing hak­ bang umano ay upang hindi magtampo ang Chinese government sa Pilipinas at hindi ma­apektuhan ang ugnayan ng bansa sa mga Chinese investors.

Iginiit ni Devanadera na kahit na wala siyang naki­kitang anomalya sa kontra­ta tulad ng igi­ nigiit ng iba, mas mabuti uma­nong sus­pendihin ang implementas­yon nito ha­bang nakabinbin pa ang kaso sa Korte Suprema.

Ipinapaubaya na la­ mang umano ng Malaca­ñang sa Korte ang pag­tukoy kung maituturing bang balido o hindi ang nasabing proyekto.

Bukod dito, makaka­iwas na rin umano sa pag­dududa ang desisyon ni Pangulong Arroyo na suspendihin na lang muna ang kontrata lalo pa at inuulan ito ng batikos.

Nilinaw pa ni Deva­nadera na sa ngayon ay nakikipag-usap na ang mga opisyal ng pamahalaan sa mga kinatawan ng ZTE upang ipaliwanag ang mga pangyayari.

Maghahain na rin umano sila ng komento sa Korte  bilang tugon sa mag­kakahiwalay na petisyon ni Iloilo Gov. Rolex Suplico at ng Amsterdam Holdings Inc. na kapwa kumukuwes­tiyon sa pagiging balido ng NBN contract. (Gemma Amargo-Garcia)

AGNES DEVANA

AMSTERDAM HOLDINGS INC

GEMMA AMARGO-GARCIA

ILOILO GOV

JUSTICE ACTING

KORTE

KORTE SUPREMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with