^

Bansa

Misyonaryo, hindi na ipadadala sa Mindanao

-

Hindi na magpapa­dala ng mga misyonaryo sa mga delikadong lugar partikular sa Mindanao.

Ito naman ang ipina­ha­yag ni Jolo Apostolic vicar Angelito Lampon upang  maiwasan na uma­­no ang  nangyaring pag­ dukot sa Italian Priest na si Gian­carlo Bossi noong Hunyo.

Ayon kay Lampon, ito na rin ang kanilang ma­giging polisiya na dapat lamang italaga sa ligtas na lugar ang mga misiyo­naryo upang hindi na sapitin pa ng mga ito ang sinapit ng mga missionary na naging kidnap victim.

Aniya, pinag-aaralan na nila na sa isang retreat house na lamang i-assign ang mga missionary  upang nakakatiyak sila sa kanilang kalig­ tasan mula sa mga re­bel­­deng grupo tulad ng Abu Sayyaf.

Binigyan-diin ni Lam­pon na dapat na bigyan ng pansin ng pamaha­laan ang isyu upang hindi ma­apektuhan ang pag­tungo ng mga foreign missionary sa bansa at hindi ma­apektuhan ang ekono­miya ng bansa.

Kailangan aniyang hindi katakutan ng mga dayuhan ang kanilang pagtungo sa Pilipinas. (Doris Franche)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ANGELITO LAMPON

ANIYA

AYON

DORIS FRANCHE

ITALIAN PRIEST

JOLO APOSTOLIC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with