^

Bansa

Phivolcs men bantang uubusin

- Nina Joy Cantos at Ed Casulla -

Malaki ang posibi­lidad na mga rebel­deng New People’s Army umano ang utak sa pagpatay sa isang empleyado ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa Irosin, Sorsogon noong Sabado ng gabi.

Ito ang teoryang tinitingnan ng Police Regional Office  5 sa pagkakapaslang sa biktimang si Orlando Guardacasa, 43. Si Guardacasa ay pinagbabaril ng dala­wang armadong kala­lakihan na lulan ng motorsiklo sa Brgy. Gulang–Gulang sa nasabing bayan. Inulila ng biktima ang apat niyang anak na nag­kakaedad 18, 16, 13 at  10 anyos.

Nabatid na ang bik­tima ay patungo sa isang birthday party nang umatake ang mga rebeldeng komu­nista.  Ang biktima ay dead on arrival sa district hospital ng lala­wigan.

Lumilitaw sa imbes­tigasyon ng pulisya na bago pinaslang ang bik­tima ay ipinakita pa nito sa kaniyang mga kasa­mahan ang isang liham ng pananakot ng NPA sa mga opisyal at em­pleyado ng PHIVOLCS sa Bicol Region na papatayin umano kapag pumalpak ang predik­syon sa  kalamidad.

Sa kabila nito, si Guardacasa ay minsan nang nakulong sa Irosin Municipal Police Office sa kasong concubinage na isinampa ng misis nitong si Emily pero ang nasabing gusot ay naayos na matapos magkasundo ang mag-asawa.

Nabatid pa sa mga opisyal ng pulisya na dahil sa pagragasa ng bultu-bultong putik  mula sa bunganga ng Mayon Volcano noong nakalipas na taon ay isinisi ng mga rebelde ang pagkasawi ng ma­raming katao dahilan sa  kapalpakan umano sa prediksyon sa pag-aalburuto ng bulkan.

Nabatid na ang da­lawang suspek na nakasakay din sa isang Honda Wave na mo­torsiklo na walang plate no. ay biglang sina­bayan ang motorsiklo ng biktima bago ito pinagbabaril.

Kaagad naman na isinugod ang biktima sa Irosin District Hospital subalit hindi na ito umabot pa ng buhay sa naturang pagamutan.

BICOL REGION

GULANG

HONDA WAVE

NABATID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with