^

Bansa

Ingat sa de-lata

- Doris Franche-Borja -

Nagpalabas kaha­pon ang Department of Health ng health advisory sa publiko na iwa­san ang pagbili ng mga de-latang pagkain at inumin o yung mga bottled water dahil may sangkap umanong lead ang nasabing mga la­lagyan.

Ang babala ay mata­pos ipag-utos ng Fisher Price company sa Ame­rika ang pagbawi mula sa merkado ng mahigit isang milyong laruan mula sa China na may mataas na sangkap ng nakalalasong kemikal.

Bunsod nito, ipina­payo ng DOH ang pala­giang paghuhugas ng kamay at mukha par­tikular bago kumain upang matanggal ang kumapit na lead sa balat.

Mahalaga rin ang masustanyang pagkain para sa mga bata dahil ang mga bitamina at mineral tulad ng Calcium at Iron ay nakapagpapa­baba sa lasong dala ng lead sa dugo.

Bago umuwi ng ba­hay, kailangan ding ma­ligo at magpalit ng damit ang mga miyembro ng pamilya pagkatapos ma­lantad sa lead habang sila ay nagta-trabaho at paglalagay sa plastic ng hinubad nilang damit.

Kailangan din ang sapat na ventilation at wastong paglilinis sa katawan pagkatapos humawak ng mga pro­duktong may sangkap ng lead tulad ng kinum­puning mga sirang sa­sakyan. 

Gumamit ng doormat upang mabawasan ang lupang papasok sa ba­hay na pinaniniwalaang nasangkapan din ng mapanganib na kemikal.

Maging ang mga pinturadong laruan ay dapat iwasang bilhin ng mga magulang at sa halip ay piliin ang may mga marking PS.

Noong Huwebes,  ipina-pullout sa dala­wang shopping centers sa Metro Manila ang mga laruang gawa ng Mattel Inc.’s Fisher-Price brand, kabilang ang Dora the Explorer at Sesame Street characters, dahil na rin sa taglay nitong lead.

Ayon sa Mattel, ang may 967,000 preschool ang mahilig sa mga plastic toys, na kinabibila­ ngan ng Elmo, Big Bird at Dora.

BIG BIRD

DEPARTMENT OF HEALTH

DORA THE EXPLORER

FISHER PRICE

MATTEL INC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with