^

Bansa

Chief Accountant ng AFP, sinibak ng Ombudsman

-

Sinibak ng tanggapan ng Ombudsman mula sa serbisyo ang Chief Accountant ng Armed Forces of the Phils. (AFP) dahil sa pamemeke ng kanyang Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALNs).

Sa 29-pahinang desis­yon, sinabi ni Ombudsman Ma. Merceditas N. Gutier­rez na napatunayang guilty si Generoso Reyes del Castillo, Jr. sa kasong Grave Misconduct, Dishonesty and Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Bunsod nito, inutos ni Gutierez na kanselahin ang eligibility, pagkum­piska sa retirement benefits nito at hindi na maaari pa itong mabigyan ng anumang puwesto sa gobyerno.

Sa record, si del Cas­tillo ay pumasok sa gob­yerno noong Aug. 1, 1971 bilang Accounting Clerk hanggang sa maging Chief Accountant ng AFP noong Dis. 29, 1994.

Sa kanyang SALN para sa taong 1994–2004, ang total income niya at ng asawang si Grace Victoria del Castillo sa loob ng 11 taon ay umaabot sa P10,233,736.86.

Sa 2004 SALN ni del Castillo, nagkaroon siya ng real at personal several properties na may hala­gang P14,463,901 pero hindi nito dineklara ang ilan pa nitong ari-arian at business interest tulad ng house and lot sa Sta. Mesa, Manila at mga negosyo nilang mag-asawa.

Bukod sa mga ma­gagarang sasak­yan, ma­ngilang beses na ring nagtungo sa US, Europa at sa mga bansang Asya si del Castillo. (Angie dela Cruz)

ACCOUNTING CLERK

ARMED FORCES OF THE PHILS

BEST INTEREST OF THE SERVICE

CHIEF ACCOUNTANT

DISHONESTY AND CONDUCT PREJUDICIAL

GENEROSO REYES

GRACE VICTORIA

GRAVE MISCONDUCT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with