Pinoy, 9 pa dinukot sa Nigeria
Dinukot ng mga armadong militante ang isang Pinoy at siyam pang dayuhan sa panibagong insidente ng kidnapping sa
Ayon kay Department of Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos Jr., inaalam pa ang pagkakakilanlan ng bihag na OFW habang patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Nigerian government.
Kabilang din sa kinidnap ang tatlong Amerikano, tatlong Briton, isang South African at isang Nigerian. Ang mga biktima ay dinukot sa isang pipe laying vessel na pag-aari ng Conoil, isang Nigerial Oil Company.
Sa inisyal na ulat, lulan ang mga abductors ng dalawang speed boat at pinaputukan ang mga security guards ng barko na sinasakyan ng mga binihag sa katimugang bahagi ng State of
Karaniwan na ang pangingidnap at pagpapatubos ng ransom ng mga militant rebels laban sa mga dayuhang tumatapak sa kanilang teritoryo.
Marami na ring OFW ang dinukot dahilan para pansamantalang ipatigil ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga mangagawa roon. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending