Biazon: Puno protest a ploy
Pinayuhan ng pamunuan ng Philippine Volcanology and Seismology ang mga residenteng nasa paligid ng bulkang Bulusan sa Sorsogon na mag-ingat dahil sa posib leng pagsabog ng bulkan anumang araw mula ngayon.
Sinabi ni July Sabit, volcanologist ng Phivolcs, na kailangang maging mapagmasid at mag-ingat ang mga residenteng nakatira sa paligid ng Bulkang Bulusan dahil patuloy ang iregularidad sa naitatalang aktibidad ng bulkan.
Sa nakalipas na limang araw, patuloy pa ang pagtaas ng seismic at steaming activity ng bulkan na isang indikasyon na nagbabanta itong sumabog.
Bunsod nito, ipinaiiral na ng Phivolcs ang 4 kilometer danger zone na ang ibig sabihin ay bawal ang pumasok ng sinuman sa may apat na kilometrong layo ng lugar sa bulkan dahil sa peligrong maaaring idulot nito sa tao oras na pumutok. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending