^

Bansa

Panawagan ni Erap pambobola raw

-
Ang panawagan umano ni dating Pangulong Joseph Estrada at ng kanyang Genuine Opposition (GO) sa taong bayan para mag-aklas sa korapsyon ay isa lamang malinaw na "panloloko" sa publiko ngayong panahon ng kampanya para sa darating na halalan sa Mayo 14, 2007.

Ayon kay Nelson P. Ramirez, presidente ng United Filipino Seafarers (UFS) na kabilang sa akti bo at malawakang grupong sektoral na Kilos Taumbayan, maraming mamamayan ang umano’y "nasusuklam" sa nasabing panawagan ni Erap dahil nanggaling mismo sa isang napatalsik na dating lider ng bansa na kasalukuyang nakakulong at nililitis ng Sandiganbayan ang kanyang mga kasong pandarambong na siyang pinakamabigat na uri ng korapsyon sa pamahalaan.

Iginiit pa ni Ramirez na ang panawagan ay isang malinaw na pambobola sa taong bayan ng mga kandidato ng oposisyon dahil wala naman umano silang maipakitang accomplishment sa halip ay ang kanilang ginagawang walang humpay na pagtuligsa sa pamahalaang Arroyo.

vuukle comment

AYON

ERAP

GENUINE OPPOSITION

KILOS TAUMBAYAN

NELSON P

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

RAMIREZ

UNITED FILIPINO SEAFARERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with