Loren: ‘Pacman ilalampaso ng babae’
May 8, 2007 | 12:00am
Zamboanga City- Ilalampaso ng isang babae sa katauhan ni reelectionist 1st District South Cotabato Congresswoman Darlene Antonino- Custodio ang kandidatura ng kalaban nitong si boxing champion Manny ‘Pacman’ Paquiao sa halalan sa susunod na linggo.
Ayon kay Genuine Oppostion senatorial candidate Loren Legarda na nangangampanya sa Mindanao, hindi sapat ang popularidad ni Pacquiao para talunin si Antonino Custodio sa congressional race sa South Cotabato.
"Hindi tungkol sa popularidad ang pulitika. Mas mahalaga ang sinseridad na makapaglingkod sa publiko," sabi ni Legarda na kasamahan ni Custodio sa oposisyon. Si Pacquiao ay suportado ng administrasyon.
Sinabi ni Legarda na hindi makakaya ng popularidad na pairalin ang kapayapaan at kaayusan at pakainin ang mga nagugutom partikular na ang mga bata at iba pa. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest