6 TU bets patok sa mga estudyante
April 27, 2007 | 12:00am
Kung ang mga estudyante sa Metro Manila at karatig probinsiya ang boboto ngayon, anim na Team Unity senatorial candidates ang para sa kanila ay karapat-dapat na maluklok sa Senado.
Sa mga mock elections na isinasagawa sa Trimex Computer School sa Biñan, Laguna kung saan 200 estudyante ang bumoto, pasok sa top 12 sina TU bets Ralph Recto na nanguna sa botong 106 kasama sina Edgardo Angara (104), Tito Sotto (104), Joker Arroyo (92), Mike Defensor (90) at Prospero Pichay (87).
Bagamat nangunguna pa rin sa Magic 12 si GO bet Loren Legarda na nakakuha ng 129 boto, ang kanyang partymate na si Manny Villar ay nalagay naman sa pang-12 sa 85 boto.
Dumidikit na rin sa Magic 12 sina Tessie Oreta, pang-14; Migz Zubiri, pang-15 at Vic Magsaysay, pang-16. Lima naman mula sa oposisyon at isang independent.
Tinanong din ang mga manggagawa sa Laguna Techno Park sa Sta. Rosa, mga miyembro ng Federation of Senior Citizens sa San Pedro, Laguna at Kababaihan Workforce Association Inc. sa Maricaban, Pasay City at lumitaw na anim na TU bets ang nasama sa top 12 laban sa limang kandidato ng GO at isang independent. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended