Campbell killer nagtatago
April 24, 2007 | 12:00am
Mahigpit nang nagtatago at nakapuslit sa police dragnet ang pumaslang kay United States Peace Corps volunteer Julia Campbell sa Batad, Lagawe, Ifugao habang masugid siyang pinaghahanap ng pulisya.
Kinilala ng impormante mula sa Cordillera Administrative Region Police Office ang suspek na si Juan Dontugan, 25, may taas na 5’7, fair complexion, katamtaman ang pangangatawan at sinasabing malakas dahil isa itong woodcarver.
Bukod sa kanyang bahay sa Batad, meron siyang tinitirhan sa Barangay Cruz, La Trinidad, Benguet. Pero hindi siya matagpuan dito ng pulisya hanggang sa isinusulat ito.
Naunang sinabi ni Ifugao Police Chief Senior Superintendent Pedro Ganir na si Dontugan ang asawa ng babaeng nagbenta ng softdink kay Campbell sa isang tindahan nang huli itong makita noong Abril 8.
Hindi pa makasuhan ng pulisya si Dontugan dahil hinahanap pa siya at nangangalap pa ng mga ebidensya laban sa kanya.
Maging ang mga tribal leaders ay tumutulong sa paghahanap sa suspek dahil naapektuhan daw nito ang turismo sa Ifugao.
Nabatid din kay CAR Police Director C/Supt. Raul Gonzales na, bukod sa isang duguang kahoy, nakuha rin ng pulisya sa isang madamong bahagi ng hukay na pinagbaunan ng suspek sa bangkay ni Campbell ang isang kamera. Bukod dito, may nakuha ring tsinelas ng biktima, mga pera at tiket sa bus.
Hiniling niya sa crime laboratory ng pulisya na subukang i-develop ang film ng camera at baka makatulong ito sa imbestigasyon.
Sinabi rin ni Gonzales na tatlong batang lalaki ang nakakita sa suspek habang dala nito ang backpack ni Campbell bago napaulat ang pagkawala ng biktima.
Pinuna niya na basag ang lente ng camera na maaaring bunga ng pambubuno ng suspek at ng biktima.
Ayon pa kay Ganir, meron silang nakalap na impormasyong nagpapahiwatig na hindi nag-iisa si Dontugan nang paslangin si Campbell.
Lumilitaw sa awtopsiya na hinataw ng matigas na kahoy sa ulo si Campbell dahil sa malulubhang sugat na tinamo nito.
Samantala, sinabi ng isang tagapagsalita ng U.S. Embassy na iuuwi ang labi ni Campbell sa Fairfax, Virginia makaraang masunod ang mga kinakailangang dokumento tulad ng death certificate.
Naiwan ni Campbell ang 136 volunteer ng Peace Corp na nakabase sa Pilipinas. Isa siyang dating reporter ng New York Times at nagturo ng English sa Divine World College sa Albay.
Sinabi ng pulisya na aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong linggo bago lumabas ang kumpletong resulta ng awtopsiya sa bangkay ng biktima na kasalukuyang nakalagak sa Rizal Funeral Homes sa Pasay City.
Nanatiling selyado ang kanyang kabaong at mahigpit na binabantayan dahil sa kahilingan ng US Embassy. (Artemio Dumlao at Cecille Suerte-Felipe, may ulat ng wires at ni Rose Tesoro)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended