Cong. Bueser kakasuhan sa pagdadala ng 20 bala
April 13, 2007 | 12:00am
Nakatakdang sampahan ng kasong kriminal si Laguna 3rd District Congressman Danton Bueser dahil sa pagdadala ng 20 bala at isang magazine ng baril na walang laman habang pasakay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan.
Ayon kay P/Sr. Supt. Atilano Morada, director ng PNPP-Aviation Security Group, handa na ang pagsasampa nila ng kaso laban kay Bueser, 56, sa Lunes sa Pasay City Prosecutor’s Office.
Magugunita na pinigil si Bueser na makaalis patungong San Francisco, California noong Pebrero 17 matapos mahulihan ng 20 bala at empty magazine ng kalibre .380 sa bagahe nito sa isang security check sa pre-departure area sa NAIA Terminal 2.
Hindi naman nakasuhan si Bueser matapos hilingin ni Team Unity senatorial bet Prospero Pichay ang custody nito. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest