2 kandidato ‘pasok’ sa Rabaya slay
April 9, 2007 | 12:00am
Dalawang opisyal ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (KAMPI) na kapwa kumakandidatong kongresista sa Quezon ang nakatakdang imbestigahan ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagpatay kay congressional bet Vicente ‘Butch’ Rabaya.
Anumang oras ay takdang ipatawag sina Quezon 3rd Dist. re-electionist Congressman Danilo Suarez, provincial chairman ng KAMPI at Quezon 4th Dist. congressional bet Narciso Malite, district chairman ng KAMPI sa lalawigan.
Batay sa nakalap na dokumento ng PNP-CIDG at NBI, lumiham si Rabaya kay KAMPI Chairman Luis Villafuerte kaugnay sa pagkakasulot umano sa kanya ni Suarez bilang provincial chairman ng KAMPI sa Quezon at ibinisto rin sa liham na si Malite na kaalyado ni Suarez ay isang anti-GMA na sumasama sa mga pagkilos noon para mapatalsik sa poder si Pangulong Arroyo.
Ayon kay Atty. Sonny Fulgar, abogado ng pamilya Rabaya, nagkaroon umano ng alitan ang nasawi at si Suarez kaugnay sa chairmanship ng KAMPI sa Quezon at pagsuporta ni Suarez kay Malite para kalabanin sa pagka-kongresista sa 4th district ng Quezon si Rabaya.
Nabatid na si Rabaya ang orihinal na miyembro ng KAMPI sa Quezon at kay First Gentleman Mike Arroyo pa ito nanumpa pero ikinagulat nito nang italaga ni Villafuerte si Suarez bilang KAMPI chairman sa Quezon kaya sumapi na lamang sa Nationalist Peoples Coalition (NPC) ang biktima.
Tiniyak naman ng PNP-CIDG at NBI na tumutok sa kaso na isa pa lamang ito sa anggulong sinisilip dahil blangko pa rin ang pulisya sa kung sino ang tunay na nasa likod ng pamamaslang kay Rabaya.
Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Rabaya sa isang nakaparadang Toyota Fortuner sa Katipunan Ave., Quezon City na may mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan noong umaga ng Marso 31, 2007. (Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended