Pulitika sa QC umiinit na
March 16, 2007 | 12:00am
Nag-umpisa nang uminit ang pulitika sa Quezon City matapos magpahayag ng intensyong kumandidato bilang kongresista ang dating mambabatas na si Dante Liban. Nakatakdang isampa ni Liban ang kanyang certificate of candidacy sa Comelec sa lungsod bago pa matapos ang deadline ng pagsasampa nito sa Marso 29.
Nauna nang hinikayat si Liban ng ilang indibidwal na huwag nang ituloy ang kandidatura nito.
Noong Hunyo ng nakaraang taon ay pumirma ng petisyon ang 19 sa 30 barangay captain ng ikalawang distrito ng lungsod na humihiling na patalsikin sa posisyon si Liban bilang chairman ng Philippine Red Cross-QC chapter dahil umano sa maling pamamalakad.
Ayon naman kay Bgy. Baesa Chairman Bayani Aquino, wala umanong naitulong si Liban sa ka unlaran ng kanilang lugar mula noong nakapuwesto ito bilang mambabatas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended