Comelec naabo!
March 12, 2007 | 12:00am
Naabo at walang itinira ang apoy na tumupok sa dalawang palapag na lumang gusali ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Tumagal ng halos apat na oras ang sunog na nagsimula dakong 12:30 ng madaling araw bago pa ideklarang ‘under control’ alas-4:30 ng umaga.
Agad namang tiniyak ni Comelec Chairman Benjamin Abalos na walang magiging epekto sa May 14 elections ang pagkasunog ng lumang gusali dahil wala na aniyang mahahalagang dokumento doon.
Sinabi ni Abalos na karamihan sa kanilang mahahalagang dokumento ay nasa Palacio del Gobernador kung saan siya ngayon nag-o-opisina kasama ang karamihan sa mga tanggapan sa Comelec.
"Itong new building naririto lahat ang mga listahan ng mga botante natin, sa Old Building wala doon, sa old building more of yung mga dating protest, mga protest cases ang nandoon saka parang naging tambakan na rin ng iba," ayon kay Abalos.
Ang mga balota naman aniya na bahagi ng ilang protesta ay nailipat na nila noon pa sa ibang lugar, kaya walang dapat ikabahala ang mga partidong sangkot sa mga nakabinbing election protest sa Comelec.
Ayon kay Abalos, noon pa man alam na niyang ‘fire hazard’ ang Comelec Old Building kaya sila humirit na makapag-okupa ng tatlong palapag sa Palacio del Gobernador.
Pinagdudahan ni Manila Fire Marshall Pablo Cordeta kung bakit huli na nalaman ng kaniyang mga tauhan sa Intramuros Fire Station ang sunog sa Comelec gayong napakalapit lamang nito sa lugar.
Sa ngayon, sinabi ni Cordeta na bagaman ‘faulty electrical wiring’ ang nakikita nilang dahilan, hindi pa rin nila inaalis ang anggulong posibleng nagkaroon ng pananabotahe sa naganap na sunog.
Nagsimula ang sunog sa General Services Office ng gusali sa bahagi ng Arsobispo St. na mabilis kumalat sa buong building, bunga ng kalumaan ng gusali na gawa sa light materials.
Gayunman, ang mga dokumentong may kaugnayan sa mga kandidato ngayong halalan ay nasa Law Department na nakalipat na noon pa sa bagong gusali.
Tinatayang nasa P20 milyon ang halaga ng natupok. (Ludy Bermudo At Mer Layson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am