^

Bansa

Summer Jobs ng DepEd binuksan na

-
Pormal nang binuksan ng Department of Education (DepEd) ang pagtanggap nito ng "summer jobs" para sa mga estudyante na nagnanais gugulin ang kanilang panahon sa bakasyon upang makakuha ng karanasan sa trabaho at bukod dito kumita pa ng pera para makaipon sa darating sa pasukan.

Sa pangunguna ni Education Secretary Jesli Lapus, inanunsyo nito na mayroong P1 milyon na pondong ilalaan ang gobyerno para sa sahod ng mga mapipiling kwalipikadong aplikanteng estudyante na mabibigyan ng trabaho sa ilalim ng naturang programa ng kagawaran.

Ayon kay Lapus, sisimulan ang programa sa pagkuha ng 100 estudyante na maeempleyo sa kagawaran sa buong panahon ng bakasyon at sila’y magtatrabaho sa kabuuang 40 araw at tatanggap ng "minimum daily salary."

Babalikatin ng DepEd ang 60% sa sahod samantalang 40% naman ang ibibigay ng Department of Labor and Employment, ayon pa kay Lapus.

Sa kwalipikasyon ng mga aplikanteng estudyante, dapat sila ay 15- hanggang 25-anyos na ang kanilang mga magulang ay may taunang income na mas mababa sa P36,000.

Binigyan diin din ni La pus na mahalaga sa kwalipikasyon ng estudyanteng gustong mag-apply ng summer job sa kagawaran na dapat wala siyang "failing marks" sa lahat ng kanyang subjects sa eskwelahan. (Edwin Balasa)

AYON

BABALIKATIN

BINIGYAN

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EDUCATION SECRETARY JESLI LAPUS

EDWIN BALASA

LAPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with