41 private armies target ng PNP
March 9, 2007 | 12:00am
Tinututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) para buwagin at hindi magamit sa pananakot sa hala lan ang may 41 private armies ng ilang pulitiko.
Kabilang sa mga lugar na kinikilusan ng private armies na ito at ang kanilang bilang na tinukoy ng PNP ang Autonomous Region of Muslim Mindanao, 14; Sulu, 10; Cagayan Valley, 12; Abra, 9; Isabela, 7; at Cagayan, 5.
Bukod dito ay may ilang namomonitor na private armies sa Regions 3, 5, 6 at 7 at 8 habang wala pa namang naiulat sa National Capital Region at Region 4.
Dahil dito, itinatag ni PNP chief Director Oscar Calderon ang Task Force Anti- Private Armed Groups (TF APAGs) upang matutukan at tuluyang buwagin ang mga nasabing armadong grupo bago maghalalan. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended