Patay ‘di na makakaboto
February 23, 2007 | 12:00am
Tiniyak kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Benjamin Abalos Sr. na malinis na ang ilalabas nilang "voter’s list" sa mga pangalan ng mga matagal nang patay na nakakaboto pa at mga nawawalang pangalan ng mga rehistradong botante.
Sinabi ni Abalos na hindi na magkakaroon ng kaguluhan sa listahan ng mga botante sa mga presinto kagaya ng nararanasan sa mga nakaraang eleksyon.
Hindi na rin umano magkakaroon ng paglilipat o pagdaragdag ng pangalan sa mga listahan ng mga presinto sa oras na maipalabas na nila ang kumpletong listahan.
Maaaring makuha ng sinumang kampo ang "list of voters" sa kalagitnaan pa lang ng buwan ng Marso.
Lumiham lamang sa Comelec ang sinuman na gustong makakuha ng listahan sa mga presinto sa isang lugar upang mapag-aralan rin ng mga kampo ng kandidato.
Nakalagay umano sa isang compact discs ang listahan ng mga botante na babayaran ng sinuman na nais na makakuha ng kopya nito sa Comelec. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest