^

Bansa

Jueteng money umariba na!

-
Tatlong kongresista at alkalde ang ibinulgar ng bantog na news program na Bandila ng ABS-CBN na nakikinabang umano sa jueteng sa Albay para sa kanilang political campaign kaugnay sa halalan sa Mayo.

Ayon sa isang whistle blower na ayaw magpabanggit ng pangalan, mahigit sa P300,000 kada buwan ang take sa jueteng nina 1st district Rep. Edcel Lagman, Presidential Chief of Staff Joey Salceda na dating kinatawan ng ikatlong distrito ng Albay, 2nd district Albay Rep. Carlos Imperial, at isa pang alkalde sa nasabing probinsya.

"Hindi ako naniniwalang walang alam ang mga opisyal sa operation ng jueteng sa kani-kanilang lugar dahil hindi makakapag-operate ang mga operator kung walang blessing ng mga pulitiko," sabi ng whistle blower.

Binanggit din sa expose ang mga bayan ng Polangi, Legaspi at Tabaco.

Isa pang source na humiling ng anonymity ang nagsabing sa munisipalidad ng Sto. Domingo sa Albay, ang bolahan ng jueteng ay sa harap mismo ng munisipyo at simbahan ginagawa.

"Ang aming mga opisyal ay lantaran ang ginagawang pagkunsinti sa mga operators, kaya wala kaming magagawa ukol dito," anang source.

Samantala, itinanggi naman ng mga kongresista na nakikinabang sila sa jueteng sa Albay.

Sa isang panayam sa telepono, sinabi ni Salceda na walang katotohanan ang ulat na nakikisawsaw siya sa operasyon ng jueteng pero aminado ito na may jueteng sa Albay, bagaman at hindi niya pinakikialaman.

Sa isang press statement, sinabi naman ni Lagman na "unfortunately warranted" ang ibinalita sa ABS-CBN at malisyoso ang akusasyon laban sa kanya.

Simula anya noong 1987 nang kumandidato siyang kongresista ay nilabanan na niya ang jueteng sa kaniyang distrito.

Hindi naman mahagilap si Imperial, 77-anyos na bihira nang dumalo sa mga sesyon sa Kongreso.

Nagpalabas naman ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ng "Ten Commandments" na ipinakalat sa mga simbahan sa buong bansa.

Ayon sa CBCP, dapat hindi suportahan ng mga mananampalataya ang sinumang kandidato na kumukunsinti at may kinalaman sa jueteng. (Malou Escudero)

vuukle comment

ALBAY

ALBAY REP

AYON

CARLOS IMPERIAL

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

EDCEL LAGMAN

JUETENG

MALOU ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with