^

Bansa

Cebuanos nakiisa kay Pichay

-
CEBU CITY — Pormal na inindorso ng malalaking multi-sectoral groups at kilalang personalidad sa Cebu ang kandidatura ni Team Unity senatorial candidate Prospero "Butch" Pichay, Jr. sa pagsisimula ng kaniyang kampanya para sa Senado sa naturang lalawigan.

Sa pangunguna ng Alpha Sigma Omega Fraternity-Visayas, Kababayan Riders Association for a New Cultural Harmony and Order (Karancho), ang Cebu chapters ng Philippine Surfing Federation at National Chess Federation of the Philippnes, Cebu Rep. Antonio Cuenco, dating mambabatas Efren Herrera ng 6th district at kilalang negosyante at civic leader Atty. Jose Mari Lozada ng 2nd district, tiniyak nilang si Pichay ay magiging isang asset sa Senado dahil sa karanasan at kaalaman nito sa ekonomiya, kapaligiran, turismo at rural development.

Naniniwala ang mga nabanggit na samahan na plataporma-de-gobyerno ng mambabatas at panukalang programa nito ay pakikinabangan ng maraming sektor upang maagapayan ang pamahalaan sa pagpapa-angat sa buhay ng mamamayang Pilipino.

Sa isang press conference na dinaluhan ng local mediamen, inihayag naman ni Pichay na ang pangarap niyang pagbabago sa ikapagkakaroon ng kakayahan ng mga Pinoy na makalikha at makabuo ng mga produktong maaaring makipag-kompetensya sa buong mundo ang nagtulak upang mabuo ang "pro-pinoy" slogan nito.

Naniniwala ang kongresista na ang pagkakaroon ng produktong Pinoy ay makapagpapatatag sa ekonomiya, makalilikha ng maraming trabaho, mag-aakyat ng karagdagang koleksyon sa buwis, magreresulta sa maraming proyektong pangkalusugan, edukasyon at imprastraktura. (Malou Escudero)

ALPHA SIGMA OMEGA FRATERNITY-VISAYAS

ANTONIO CUENCO

CEBU

CEBU REP

EFREN HERRERA

JOSE MARI LOZADA

KABABAYAN RIDERS ASSOCIATION

PICHAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with