^

Bansa

Deal para idiin si Erap pinabulaanan: Gloria ‘iwas-pusoy’ kay Atong

- Lilia Tolentino -
Dumistansiya ang kampo ni Pangulong Arroyo sa bintang na umano’y nagkaroon ng deal sa pagitan ng Palasyo at ni dating Pagcor consultant Charlie ‘Atong’ Ang kaya idiniin nito si dating Pangulong Erap Estrada sa usapin ng P130 milyon tobacco excise tax.

Mariing itinanggi ni Executive Secretary Eduardo Ermita ang paratang ng kampo ni Erap na mayroong kasunduan si Mrs. Arroyo at si Atong Ang kaya biglang idiin nito si Estrada sa pagtanggap sa tobacco excise tax.

Itinanggi na rin ni Atong ang nauna niyang testimonya sa senate blue ribbon committee noong Oktubre 2000 kung saan ay pinabubulaanan niya ang akusasyon ni Ilocos Sur Gov. Luis ‘Chavit’ Singson na nagsabwatan sila ni Erap para sa tobacco excise tax.

Ayon kay Sec. Ermita, wala siyang partikular na impormasyon na ang Malacañang ang nasa likod ng pagpapabalik kay Atong para gamitin ang testimonya nito laban kay Estrada.

Aniya, mayroong plunder case din si Ang kaya ang panig ng prosecution ang nagsisikap na pauwiin si Atong sa bansa para mapalakas ang kaso.

Malaki ang paniniwala ng kampo ni Erap na kaya biglang idiniin ni Atong ang dating Pangulo sa Sandigan ay dahil sa alok na pagpapababa ng sentensiya dito hanggang sa posibleng pagpapatawad kapalit ng testimonya nito laban kay Erap.

Tumanggi namang magbigay ng opinyon si Ermita kung napalakas ba ang kaso laban kay Erap dahil sa pagdiin dito ni Ang.

vuukle comment

ANIYA

ATONG

ATONG ANG

ERAP

ERMITA

EXECUTIVE SECRETARY EDUARDO ERMITA

ILOCOS SUR GOV

MRS. ARROYO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ERAP ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with