^

Bansa

Pinoy sa Nigeria bawal muna

-
Iniutos na ni Pangulong Arroyo na ihinto ang pagpapadala ng mga Pilipino sa Nigeria kasunod ng pagkakadukot sa anim na Pinoy seamen sa naturang bansa noong Sabado.

Hanggang ngayon ay bihag pa rin ng armadong grupong MEND ng Nigeria ang anim na Pinoy sa Warri Port ng Delta State.

Nabatid na hinihiling ng mga suspek sa Delta State government na palayain ang nakakulong na dating governor ng Bayelsa State na si Dietreye Alamieyaseigha at ang lider ng Niger Delta People’s Volunteer Front na si Alhaji Asari-Dokubo.

Nanawagan naman ang DFA sa mga hostage-taker na pakawalan na ang mga Pinoy dahil wala naman silang kinalaman sa gulo.

Ayon kay DFA spokesman Atty. Ed Malaya, inatasan na ni DFA Sec. Alberto Romulo sina vice consul Randy Arquisa at attache Kamalodin Mangis ng Philippine Embassy sa Nigeria na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan doon para sa ligtas na pagbawi sa mga biktima. (Lilia Tolentino/Rose Tesoro)

ALBERTO ROMULO

ALHAJI ASARI-DOKUBO

BAYELSA STATE

DELTA STATE

DIETREYE ALAMIEYASEIGHA

ED MALAYA

KAMALODIN MANGIS

LILIA TOLENTINO

NIGER DELTA PEOPLE

PANGULONG ARROYO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with