Tuloy ang laban ko! Peewee
January 19, 2007 | 12:00am
Kahit binawalang kumandidato sa darating na halalan, matapang na inihayag ni Pasay Mayor Peewee Trinidad na itutuloy niya ang laban kasabay ang pagsasabing takot na takot ang kanyang mga kalaban sa pulitika kayat pinatatanggal siya sa puwesto.
Pinatibay pa ang pangakong ito ni Trinidad matapos sabihin kahapon ni Comelec Chairman Benjamin Abalos, sa isang interview na pwede pa itong maghain ng kanyang kandidatura dahil hindi pa "final and executory" ang desisyon ng Ombudsman.
Ayon kay Trinidad, hindi birong sabwatan ang naganap sa pagitan ng kanyang mga kalaban sa pulitika sa Pasay at ng mga kaalyado nito sa kasalukuyang administrasyon.
"Hindi lamang ito "political harassment" kung hindi ito ay isang "grand conspiracy" upang patahimikin ang isang naglilingkurang public servant," pahayag nito.
Sinabi pa ng butihing alkalde na malinaw sa naglabasang survey partikular na ang ginawa ng Social Weather Station (SWS) noong Oktubre hanggang Disyembre na halos nilampaso niya ang kanyang pinakamalapit na kalaban dahil lamang siya rito ng halos 20 porsiyento.
Kaugnay ng desisyon ng Ombudsman, naghain naman si Trinidad ng "motion for reconsideration" upang hilingin dito na baligtarin ang kanilang naunang desisyon.
"Lack of due process at halatang minadali ang desisyon dahil ang pinagbasehan lamang nilang desisyon ay ang affidavit ng mag-asawang konsehal na Cuneta na hindi man lamang sila nabigyan ng kopya at pagkakataong sumagot," ani Trinidad.
Sinabi pa ng alkalde, na isang "secret investigation" ang naganap sa kasong administratibo na inihain sa kanya kung saan siya ginawaran ng parusang pagbabawal tumakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.
Sinabi nito na hindi siya nasabihan ng anumang hearing na naganap.
Tahasan din sinabi ni Trinidad na tinakot ng kanyang mga kalaban sa pulitika sina konsehal Tonya at asawa nitong si Boy Cuneta na bubuhayin ang mga naka-pending nilang asunto sa ilang hukuman sa Pasay kapag hindi nila diniin ang alkalde.
Nilinaw rin ng alkalde na wala siyang ginawang iregularidad sa "bidding" ng basura sa lungsod kayat taas noo pa rin siyang humaharap sa kanyang mga kababayan. (Lordeth Bonilla)/Mario D. B asco)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest