^

Bansa

Kamay na bakal sa Sayyaf!

-
Tiniyak ni Pangulong Arroyo na determinado ang kanyang pamahalaan na tapusin ang problema ng terorismo sa bansa at gamitin na ang kamay na bakal sa paglipol sa teroristang Abu Sayyaf upang tuluyang mawakasan ang kasamaan ng mga ito.

"The government is determined to finish the job with a hand of steel against evil," pahayag ni Pangulong Arroyo sa mediamen sa Camp Aguinaldo.

Pinuri ng Pangulo ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa panibagong tagumpay nila sa paglaban sa terorismo kaugnay ng pagkakapatay sa lider ng Abu na si Abu Solaiman.

Kahapon ay pinapurihan din ni US Ambassador Kristie Kenny ang pagkakapatay ng tropa ng militar kay Solaiman.

"Let me first congratulate the AFP, I’ve seen them in Jolo and they should make all of us very proud they are a tremendous fighting force and they are extraordinary things in capturing some of the world’s most deadly terrorists. So our strongest congratulations to the brave men and women of the Armed Forces of the Philippines for their fight under tremendous leadership," sabi ni Kenney.

Kinilala ni Kenney ang kakayahan at talino ng mga sundalong Pinoy sa pagkakapatay sa lider ng ASG.

Kaugnay nito, inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon na ang pagkakapaslang kay Solaiman ay produkto ng RP-US Balikatan exercises, ng mga natamong benepisyo sa joint military war games at sa mga naiwang modernong kagamitang pandigma ng US troops. (Lilia Tolentino/Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SOLAIMAN

AMBASSADOR KRISTIE KENNY

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CAMP AGUINALDO

CHIEF OF STAFF GEN

HERMOGENES ESPERON

JOY CANTOS

KENNEY

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with