Kurso para iwas aksidente inilunsad ng LTO
January 16, 2007 | 12:00am
Upang maibsan ang sunud-sunod na aksidente sa lansangan dulot ng mga motorsiklo, inilunsad kahapon ni Land Transportation Office (LTO) Chief Reynaldo Berroya ang LTO Motorcycle Riders Course na layuning maingatan ang publiko.
May 96 na 200cc motorbike at 8 big bike ang nakapaloob sa programang ito na gagamitin ng mga traffic enforcers ng LTO mula sa central office at National Capital Region (NCR) para mag-ikot sa Metro Manila at magkaloob ng ayuda sa mga motorista gayundin ay mabilis na mahuhuli ang mga traffic violators.
"This time, this is the fastest way na makapanghuhuli ang mga LTO enforcers ng mga traffic violators..higit na rin mabibigyan ng kaalaman ang mga motorista kung paano maiiwasan ang aksidente sa paggamit ng motorbike na sa kasalukuyan ay tumataas ang reported accident dito" pahayag ni Berroya.
Ang okasyon ay dinaluhan ni DOTC Undersec. Anneli Lontoc at pinangasiwaan sa tulong ng Lawin Motorcycles Club sa pangunguna ni P/Supt Carlos Joaquin Jr. (ret).
Kaugnay ng okasyon, itinatag din ni Berroya ang LTO K9 unit, ang pinakabagong grupo sa LTO na layuning kontrahin ang terorismo sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay Berroya, ang naturang grupo na kapapalooban ng 10 trainor at 10 K9 sniffing dogs ang siyang lilibot anya sa mga terminal ng mga pampasaherong sasakyan tulad ng mga bus para i-check ang mga bagahe ng mga pasahero. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended