Paglaya ni Erap ikinakasa!
January 7, 2007 | 12:00am
Panahon na umano para palayain mula sa house arrest si dating Pangulong Joseph Estrada bilang isang hakbang tungo sa kapayapaan at pagkakasundo ng bansa.
Sa isang press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Chief of Staff Mike Defensor na dapat nang bigyan ng kaluwagan ang dating Pangulo pagkaraan ng anim na taong pagkakakulong, subalit dapat ding linawing hindi ito nangangahulugan na absuwelto na siya at pinawalang-saysay na ang kasong plunder laban sa kanya.
Ayon kay Defensor, naniniwala siya na panahon na para pakinggan ang mga panawagan para sa pagpapalaya kay Estrada mula sa house arrest para sa ikatatamo ng pambansang pagkakaisa.
Unang iminungkahi ito nina Manila Mayor Lito Atienza, Philippine Commerce and Industry (PCI) chairman Miguel Valera at Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Sergio Luis Ortiz, Jr. na pawang nasa likod ng pagsusulong ng "covenant of unity" kabilang dito ang inisyatibo para sa pagpapalaya sa house arrest kay Erap.
Sinabi ni Ortiz na maisasagawa ang pagpapalaya kay Estrada sa house arrest sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng karapatang makapaglagak ng piyansa habang hinihintay ang hatol ng Sandiganbayan sa kanyang kasong plunder.
Sa ilalim ng kasong plunder, ang isang akusado ay hindi pinapayagang makapagpiyansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended