^

Bansa

Pagsuspinde sa IT fee ok sa Stradcom

-
Sinang-ayunan ng Stradcom Corporation, ang IT provider ng  Land Transportation Office (LTO), ang desisyon ni LTO Chief  Reynaldo Berroya na pansamantalang suspendihin ang paniningil ng P50.00 rate adjustment para sa Private Emission Testing Center (PETC) Interconnectivity Project fees habang sinasaayos pa ng naturang kumpanya ang lahat ng technical problems ng sistema nito.

Sinabi ni Stradcom president Cezar Quiambao, nadiskubre ng   Stradcom’s technical team na may kailangang i-re-evaluate sa kasalukuyang sistema ng disenyo ng PETC — ITF project upang higit itong maging mahusay sa anumang transaction handling.

"Stradcom has tapped and engaged the services of top notch personnel from Stradcom’s strategic partners to assist the company to enhance the current system of the LTO PETC-ITF  project," paglilinaw ni Quiambao.

Samantala, ang apat na four authorized IT providers tulad ng  ETCIT, Oaxis, Eurolink, RDMS ay nagsabi kay Berroya na sila ay magpapatupad ng digital cam image capture system sa lahat ng mga sasakyan sa loob ng tatlong buwan na dadaan sa PETCs upang tuluyan nang maglaho ang insidente ng non— appearance sa tuwing sasailalim sa emission testing ang mga irerehistrong sasakyan.

Wala naman itong dagdag na gastos sa panig ng gobyerno at sa mga may-ari ng sasakyan na iparerehistro sa LTO.

Humingi din ng paumanhin si Quiambao sa motoring public sa naganap na slowdown ng PETC-ITF system sa nakalipas na tatlong araw bunsod ng naganap na technical problem. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BERROYA

CEZAR QUIAMBAO

INTERCONNECTIVITY PROJECT

LAND TRANSPORTATION OFFICE

PRIVATE EMISSION TESTING CENTER

QUIAMBAO

REYNALDO BERROYA

STRADCOM

STRADCOM CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with