DNA tests sa bangkay ni Janjalani
December 29, 2006 | 12:00am
Tumulong na ang mga forensic experts ng Estados Unidos sa mga awtoridad ng pamahalaan upang matukoy kung ang nahukay na bangkay sa kagubatan ng Patikul, Sulu nitong Miyerkules ay katawan nga ng notoryus na si Abu Sayyaf Chieftain Khadaffy Janjalani.
Kahapon ay kumuha ng sample tissue ang mga eksperto para makapagsagawa ng DNA testing sa bangkay.
Kamakalawa ng gabi kinumpirma ni 3rd Marine Brigade Commander Major Juancho Sabban na nahukay ng kanilang tropa sa Brgy. Kabuntakas, Patikul ang hinihinalang labi ng Sayyaf lider. Isang tipster ang nagturo sa lugar kung saan ibinaon ang bangkay matapos mapaslang sa isang pakikipag-engkwentro sa tropa ng Marines noong Set. 4, 2006.
Si Janjalani ay may patong sa ulong $5 M para sa sinumang makapagtuturo dito, buhay man o patay.
Sakaling si Janjalani nga ang bangkay ay isang malaking puntos ito sa kampanya laban sa terorismo. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 27, 2024 - 12:00am