^

Bansa

Water hike maagang pahirap sa 2007

-
Mariing kinondena ng isang militanteng grupo ang nakatakdang pagtataas ng singil ng tubig sa pagpasok ng taong 2007.

Ayon sa Freedom from Debt Coalition (FDC), tiyak na daranas ng ibayong kalamidad at kahirapan ang mga water consumer sa Metro Manila sakaling matuloy ang nakatakdang pagtaas ng singil ng tubig matapos na maaprubahan ang resolusyon para makapagtaas ng singil ang Manila Water Sewerage System (MWSS) at ang Maynilad Water Services.

Ipinaliwanag ng FDC na isang resolusyon umano ang ipinasa ng MWSS Board na nagdedeklarang mga ahente at kontraktor lamang at hindi public utilities ang mga korporasyong nagpapatakbo sa operasyon ng suplay ng tubig sa Kalakhang Maynila.

Batay sa rekord ng FDC, nagdagdag ng P1.55 at P4.15 kada cubic meter ang MWSS at Maynilad.

Maliban dito, binigyan din ng karapatan ang dalawang water concessionaire na ipasa sa mga kostumer ang corporate taxes na dapat ay binabalikat umano ng dalawang korporasyon.

Iginiit ng FDC na maanomalya umano ang nasabing resolusyon dahil hindi naman ito idinaan sa public bidding.

Kasabay din nito, binatikos din ng grupo ang mga appointees ni Pangulong Arroyo sa dalawang korporasyon na anila ay walang malasakit sa kapakanan ng sambayanan.

Dahil dito, nanawagan ang mga militante sa mga opisyal ng MWSS at Maynilad na magbitiw na sa kanilang mga puwesto dahil sa halip umano na proteksyunan ang kapakanan ng mamamayan ay interes ng mga negosyante ang pinangangalagaan ng mga ito. (Ludy Bermudo)

AYON

DEBT COALITION

KALAKHANG MAYNILA

LUDY BERMUDO

MANILA WATER SEWERAGE SYSTEM

MAYNILAD

MAYNILAD WATER SERVICES

METRO MANILA

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with