Lapid walang balak umatras sa Makati
December 24, 2006 | 12:00am
Wala nang balak na umatras si Sen. Lito Lapid sa 2007 mayoralty race sa Makati City laban kay Mayor Jejomar Binay.
Sinabi ni Sen. Lapid, desidido siyang iwan ang Senado sa sandaling bigyan siya ng pagkakataon ng taga-Makati na maging ama ng kanilang lungsod.
Wika ni Lapid, minsan nang binigyan ng pagkakataon ng Makati ang isang Kapampangan sa katauhan ni dating Mayor Nemesio Yabut para pagsilbihan ang kanilang lungsod kaya naniniwala siyang bibigyan naman siya ng pagkakataon ng taga-Makati para siya naman ang maglingkod sa mga ito.
Aniya, may ilang taon nang naglilingkod sa Makati si Mayor Binay kaya posibleng pagod at sawa na ang mamamayan dito sa paglilingkod ng alkalde at malaki ang kanyang pagkakataon na bigyan ng mandato ng mga residente para siya naman ang magserbisyo.
Idinagdag pa ni Lapid na ilang ulit na rin siyang naglingkod bilang punong ehekutibo ng Pampanga bago siya naging senador kaya lubos ang kanyang karanasan para sa pagpapatakbo ng local government. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest