Pulitiko, utak sa Bersamin slay
December 19, 2006 | 12:00am
Isang prominenteng pulitiko ang hinihinalang nasa likod ng pagpatay kay Abra Rep. Luis Bersamin Jr. noong Sabado sa Mt. Carmel Church, Quezon City.
Ayon kay PNP Chief Director Gen. Oscar Calderon, pulitika ang tinutumbok ng imbestigasyon ng binuong Task Force Bersamin na pinamumunuan ni PNP-CIDG Chief Director Jesus Versoza hinggil sa pagpatay kay Bersamin.
Ipinaliwanag ni Calderon na bago pa man naganap ang insidente ay may pagkakaugnay na silang nakikita na sadyang my pulitikong naghahabol o masidhi ang pagtatangka sa buhay ni Bersamin,
Gayunman, tumanggi muna si Calderon na tukuyin ang nasabing prominenteng pulitiko dahil patuloy pa ang kanilang pangangalap ng ebidensiya laban sa hinihinalang mastermind sa pananambang.
Nabatid na dalawang suspek ang hawak ng PNP-CIDG at QC Police na sinasabing nasa likod ng pamamaslang.
Bukod dito, walo katao pa ang hawak nila na maaaring magbigay daan sa paglutas sa krimen at pagtukoy sa mastermind.
Nagpalabas na rin ang pulisya ng P200,000 reward money sa sinumang makapagtuturo sa utak ng pagpaslang.
Sa kabila naman ng sinapit ni Bersamin, sinabi ni Calderon na walang plano ang PNP na dagdagan ang police escorts ng mga kongresista.
"I will have no more police officers left if we do that," pahayag pa ng PNP chief na inirekomenda na ang mga dating police officers at mga sibilyan na sumailalim sa training ay maaari ring i-hire ng mga mambabatas para mangalaga sa seguridad ng mga ito.
Ayon naman kay PNP spokesman Chief Supt. Samuel Pagdilao, posibleng maging repleksiyon ng madugong pulitika sa 2007 elections kung lilitaw na pulitika ang motibo ng pagpatay kay Bersamin, gayundin sa pagpapasabog sa sasakyan ni Pasig Rep. Robert "Dodot" Jaworski. (Joy Cantos/Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am