^

Bansa

’Di ako gumigimik — Dodot

-
Umalma si Pasig City Rep. Robert "Dodot" Jaworski Jr. sa pahayag ni Mayor Vicente Eusebio na gumigimik lang umano siya na may nagpasabog ng kanyang sinasakyang Toyota Innova noong Martes ng hapon sa nasabing lungsod.

Ayon kay Jaworski, hindi niya kailangang gumawa ng gimik o magpahamak ng ibang tao para mapansin dahil mahal siya ng mga taga-Pasig.

"Hindi ko kailangang isugal ang buhay ko, ng kapatid ko at ng ibang tao para lang magpapansin at gumawa ng ganung bagay na ikapapahamak naming pareho," saad ni Jaworski.

Pinuna rin ng kongresista ang ginawang pagdepensa ni Eusebio sa kanyang sarili sa naganap na pagpapasabog ng kanyang sasakyan samantalang wala naman siyang binabanggit na personalidad kung sino ang may gawa nito.

Samantala, tinatayang umaabot sa 500 taga-suporta ni Dodot ang nagtipon-tipon sa plaza sa Pasig City kahapon ng umaga para suportahan ang solon at hilingin ang suspensiyon ni Eusebio. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

DODOT

EDWIN BALASA

EUSEBIO

JAWORSKI

JAWORSKI JR.

MAYOR VICENTE EUSEBIO

PASIG CITY

PASIG CITY REP

TOYOTA INNOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with