^

Bansa

Binuhusan ng tubig sa presscon ni JDV magdedemanda

-
Pinag-aaralan na ni Renato Constantino, ang anti-Charter change na umeksena sa press conference ni House Speaker Jose de Venecia noong nakaraang Sabado sa Dusit Hotel, Makati na kasuhan si Vic Agustin, ang kolumnista ng Philippine Daily Inquirer na nambuhos sa kanya ng dalawang basong tubig.

Sinabi ni Constantino na hinihikayat siya ng kanyang mga kaibigan na magsampa ng kasong "slander by deeds" laban kay Agustin.

Ayon pa kay Constantino, maraming text message ang kaniyang natanggap na nagpapahayag nang pagsuporta sa kaniyang ginawa.

Matatandaan na tahasang sinabi ni Constantino kay de Venecia at sa nasa 30 kongresistang dumalo sa press conference na "rapist" ng Konstitusyon ang mga ito dahil sa paggigiit na amiyendahan ang 1987 Constitution.

Balewala umano ang ginawa niyang pagbulalas ng damdamin kontra sa Cha-cha kumpara sa ginagawang pambabastos sa Konstitusyon ng mga kongresista.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi naman ni Agustin na posibleng magka-ayos pa rin sila ni Constantino dahil na rin sa mga "common friends" nilang dalawa.

Sinabi rin nitong posibleng buhusan din siya ng tubig ni Constantino sa kanilang pribadong pag-uusap.

Ginawa lamang umano niya ang nasabing hakbang (pambubuhos ng tubig) upang payapain si Constantino noong Sabado ng umaga.

Samantala, sinuspinde muna ng Inquirer ang kolum ni Agustin bunsod ng away nila ni Constantino. (Malou Escudero)

AGUSTIN

CONSTANTINO

DUSIT HOTEL

HOUSE SPEAKER JOSE

KONSTITUSYON

MALOU ESCUDERO

PHILIPPINE DAILY INQUIRER

RENATO CONSTANTINO

SABADO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with