^

Bansa

Rizal Park balak din ibenta ni Atienza — Lim

-
Inakusahan kahapon ni Sen. Alfredo Lim si Manila City Mayor Lito Atienza Jr. na baka pati ang Rizal Park ay maibenta ng alkalde matapos madiskubre ang ibat-ibang midnight deal sa harap ng nakatakdang pagtatapos ng termino ng alkalde sa Hunyo 30, 2007.

Ayon kay Sen. Lim, lahat ng mga lupaing pag-aari ng Manila City Hall ay isa-isang ibinenta ni Mayor Atienza kaya hindi na nito ipagtataka kung pati ang Rizal Park ay maibenta. "Balita nga namin, pati Rizal Memorial hinahanapan ng buyer," ani Lim.

Bilang dating alkalde ng Maynila sa loob ng anim na taon, ipinagmalaki ni Lim na wala itong ibinentang lupain o property ng City Hall bagkus nagawa pang bumili para mapakinabangan ng mga Manilenyo, hindi tulad umano ni Atienza na halos ibinenta ang lahat ng mga ari-arian.

Matapos isubasta sa mga kaibigang developers ang ilang eskuwelahan sa Divisoria area, nadiskubreng ipinasusubasta ni Atienza ang makasaysayang Army/ Navy Club sa Luneta Park kung saan walang ibang nagla-lobby kundi ang kaibigang si Simon Paz, may-ari ng Leonel Hauler na solong nakakuha sa kontrata ng basura sa Maynila.

Plano umano itong upahan ni Paz sa mababang halaga sa loob ng 25 taon o P300,000/buwan kung saan iko-convert bilang tennis court at Olympic-size swimming pool. (Rudy Andal)

ALFREDO LIM

ATIENZA

CITY HALL

LEONEL HAULER

LUNETA PARK

MANILA CITY HALL

MANILA CITY MAYOR LITO ATIENZA JR.

MAYNILA

MAYOR ATIENZA

RIZAL PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with