Solon pinasisipa sa komite ng mga bakla at tomboy
November 16, 2006 | 12:00am
Hiniling ng Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network (Lagablab) na alisin si Manila Rep. Bienvenido Abante sa pinamumunuan nitong committee on human rights dahil ignorante umano ito sa "basic principle ng human rights." Hindi nagustuhan ng Lagablab ang ginawang pagkuwestiyon ni Abante sa isinusulong na House Bill 637 ni Akbayan Rep. Etta Rosales na naglalayong protektahan ang mga lesbians, gays, bisexuals at transgenders.
Ayon sa grupo, ang ipinakikitang oposisyon ni Abante sa anti-discrimination bill ay patunay na hindi siya karapat-dapat sa kanyang posisyon. Patuloy aniyang natatanggal sa trabaho o napapatalsik sa mga eskuwelahan at nakakaranas nang pang-aabuso ang mga bakla at tomboy dahil walang batas na nagbibigay ng proteksiyon sa kanila. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended