^

Bansa

Kabataang unemployed tumataas

-
Naalarma ang isang grupo sa tumataas pang bilang ng mga  kabataang walang mapasukang trabaho sa bansa. Ayon kay Michael Eric Castillo, pinuno ng Education and  Program Committee ng Demokratiko Sosyalistang Kabataan ng Pilipinas (DSKP), nitong nakalipas na Hulyo, kalahati ng 2.91 milyong Pilipinong walang hanapbuhay ay pawang mga nasa edad 15-24.

Lumilitaw na ang pinakamalaking bilang dito ay mga taga-Metro Manila at Southern Tagalog.

Sinabi pa ni Castillo, posible umanong maituro ang problema sa mataas na labor supply ngunit mababa naman ang bilang ng mapagkakakitaan, at sa mababang kalidad ng edukasyon na hindi tutugma sa iniaalok na uri ng trabaho ng maraming kumpanya sa bansa.

Giit pa ng youth lider na pagpapakita rin umano ito na depektibo ang investment policies ng bansa at walang malinaw na direksyon ang pamahalaan para sa mga manggagawang Pilipino. (Edwin Balasa)

AYON

DEMOKRATIKO SOSYALISTANG KABATAAN

EDWIN BALASA

GIIT

HULYO

LUMILITAW

METRO MANILA

MICHAEL ERIC CASTILLO

PROGRAM COMMITTEE

SOUTHERN TAGALOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with