^

Bansa

Sandro, Joy, Vico mahuhusay na lider

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sandro, Joy, Vico mahuhusay na lider
Mayor Joy Belmonte Quezon City.
Mayor Joy Belmonte / Facebook Page

MANILA, Philippines — Mula sa hanay ng mga kilalang mahuhusay na lider ng bansa ay mula sa mga pamilya sa pulitika sa Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union na sinabing ang mga halal na opisyal ay dapat husgahan sa kanilang performance maliban pa sa kanilang mga apelyido lalo na kung kilala ang mga ito.

“Dapat may metrics na kasama, base sa pamumuno at total governance. Kaya maganda po na may numero, hindi opinyon,” ani Ortega sa gitna na rin ng mainit na isyu sa dinastiya sa pulitika.

Aniya, sa mga naglulutangang mga batang lider ay pumapailanglang sina Mayor Vico Sotto ng Pasig, mga Belmonte sa Quezon City at ang mga Marcos.

“Nandyan ‘yung Vico Sotto diba, andyan si Sandro Marcos, andyan yung mga Belmonte,” ayon kay Ortega.

Sa katunayan kilala si QC Mayor Joy Belmonte sa kanyang mga programang pangkabuhayan, pagpapalakas ng social services, at mabuting pamamahala.

Ang pamamahala naman ni Mayor Vico ay kinikilala sa pagiging nakatuon sa pagpapalakas ng mga institusyon, na nakasandig sa transpa­rency, participatory ­leadership, at digita­lisasyon at paglaban sa katiwalian at pagbibigay ng maayos na paglilingkod sa taumbayan.

Ayon pa kay Ortega, sa kabila na nagmula sa dinastiya ng kilalang pamilya sa pulitika si House Majority Leader Sandro Marcos ay hindi ito lumiliban sa trabaho sa plenaryo at nananati­ling ‘perfect attendance‘ sa Kamara ang presidential son.

Binigyang diin ni Ortega na ‘pag sinabing dinastiya sa pulitika ay negatibo na ang pagtingin dito pero depende aniya ito sa sitwasyon at sa mga lider na namumuno.

Inihayag nito na may mga pag-aaral sa epekto ng dinastiya sa pulitika sa ilang mga lugar sa bansa na sa katunayan aniya ay naging matagumpay ang istorya ng mga ito.

ORTEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with