^

Bansa

Loan sa GSIS bibilis na

-
Simbilis na ng Automated Teller Machine ang transaksiyon ngayon sa Government Service Insurance System (GSIS) partikular ang pagproseso ng loan applications nang walang documentary requirement.

Ito’y kasunod ng paglulunsad ng kauna-unahang transactional machine sa buong mundo, ang G-W@PS (GSIS Wireless Automated Processing System) Kiosk.

"All you need is electricity and a cell phone signal. With the G-W@PS Kiosk, the GSIS can now put up virtual branches in any part of the country," ayon kay GSIS President and General Manager Winston Garcia.

Ang machine na may taas na 55-inch box-type at may 28-inch by 16-inch touch screen monitor, ay pormal na inilunsad sa Camiguin, may 100 kilometro ang layo mula sa GSIS field office sa Cagayan de Oro City.

Ang mga miyembro ng GSIS ay maaari nang mag-aplay ng loan sa pamamagitan ng G-W@PS Kiosk. Ilang minuto lamang ang hihintayin ay makakatanggap ng text message mula sa GSIS at malalaman kung naaprubahan ang kanilang loan application at dito ay maaari na silang mag-withdraw sa ATM machines

Iginiit pa ni Garcia na ang GSIS ay ang kauna-unahang institusyon sa buong mundo na may ganitong makabagong teknolohiya. Tanging finger print lamang ang gagamitin ng nais na mag-transact dito pangunahin na ang mga nagnanais na mag-loan na kung saan nakalagay naman sa screen monitor ang anumang transaksyon na kanilang isasagawa. (Rudy Andal)

vuukle comment

AUTOMATED TELLER MACHINE

CAMIGUIN

G-W

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

GSIS

ORO CITY

PRESIDENT AND GENERAL MANAGER WINSTON GARCIA

RUDY ANDAL

WIRELESS AUTOMATED PROCESSING SYSTEM

WITH THE G-W

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with