Sex case vs Colonel!
October 25, 2006 | 12:00am
Nakatakdang isalang sa General Court Martial (GCM) ang isang dentistang Colonel matapos ireklamo ng sexual harassment ng 25 dentista at sibilyang empleyado ng AFP Medical Center.
Si Col. Leopoldo Deocaris, commanding officer ng 1351st Dental Clinic na nakabase sa AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City ay sinibak noon pang Setyembre 8 matapos makatanggap ng sunud-sunod na reklamo si AFP Chief Hermogenes Esperon hinggil sa pagiging umanoy manyakis ng nasabing opisyal.
Ayon kay AFP-Public Information Office (AFP- PIO) Chief Lt. Col. Bartolome Bacarro, inutos ni Esperon sa AFP Provost Marshal General Office na isailalim sa pre-trial investigation ang kaso laban kay Deocaris.
Gayunman, matapos ang pre-trial ay inirekomenda ng AFP Provost Marshal ang pagbabasura sa kaso dahilan umano sa kakulangan ng ebidensiya.
"When J1 received the recommendation, he had it evaluated. He sought the legal opinion of the Judge Advocate General," ani Bacarro na nagsabi pang 25 dentista at sibilyang empleyado na subordinates ni Deocaris ang nagsampa naman ng reklamo laban dito sa tanggapan naman ng AFP-Judge Advocate Generals Office (AFP-JAGO).
Bunsod nito, inirekomenda ng JAGO ang muling imbestigasyon sa kaso kaugnay ng paglabag sa Article of War 96 conduct unbecoming of an officer and a gentleman.
Karamihan ng sexual harassment na inirereklamo laban kay Deocaris ay "verbal abuse" o pagsasalita ng kalaswaan laban sa mga biktima at panghahalik.
Bago ang reklamo kay Deocaris ay ikinokonsidera na ang promosyon nito bilang Navys Dental Surgeon. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended