Bombers tukoy na!
October 13, 2006 | 12:00am
Kilala na ang mga teroristang responsable sa sunud-sunod na pagbomba sa Mindanao at ipinakalat na ang artists sketch ng mga suspek.
"Our manhunt is extensive. They are stil within the area," sabi ni Major Gen. Nehemias Pajarito, chief ng Armys 6th Infantry Division.
Tinukoy ni Pajarito ang mga suspek na kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na may alyansa sa Jemaah Islamiyah (JI).
Itoy base sa nakuhang SIM card sa narekober na dalawang bombang may nakakabit na cellphone sa Makilala, North Cotabato na nag-uugnay sa isang kumander ng MILF.
Itinatanggi naman ni Mohagher Iqbal, MILF peace negotiator, na sangkot ang kanilang mga miyembro sa nasabing pambobomba dahil kinokondena ng kanilang grupo ang anumang uri ng terorismo.
Nitong Martes ay binomba ang palengke ng Tacurong City, Sultan Kudarat at isinunod ang harapan ng munisipyo ng Makilala, North Cotabato. Kinabukasan ay nakarekober ang mga elemento ng militar ng dalawang hindi pa sumasabog na bomba, may 200 metro ang layo mula sa munisipyo ng Makilala. Walo katao ang nasawi sa dalawang insidente.
Miyerkules ng tanghali ay nagkaroon ng pagsabog sa harapan ng isang commercial center sa Cotabato City pero walang nasawi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am