^

Bansa

V-Day bomber tiklo sa Indonesia!

-
Ipinamalas kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang kahalagahan ng joint intelligence and counter terrorism coordination ng mga magkakalapit na bansa makaraang malambat ang pangunahing suspek sa madugong Valentine’s Day bombing na nagtatago sa Indonesia.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni PNP Chief Director Gen. Oscar Calderon, nadakip ng Indonesian authorities si Elmer Abram alyas Elmer Emran, tubong Gensan at pangunahing suspek sa pambobomba sa isang shopping center sa General Santos City noong Pebrero 14, 2005. Tatlo katao ang namatay dito at 40 ang sugatan.

Ayon kay Senior Supt. Willy Dangane, hepe ng Police Regional Office 12 Intelligence Division, naaresto si Abram sa Manado, Indonesia noong Lunes at agad na ipinagbigay-alam sa PNP ng Indonesian Police ang pagkakaaresto rito alinsunod sa umiiral na ugnayan ng Pilipinas sa mga kalapit na bansa sa Asya sa giyera kontra terorismo.

Ang pambobomba sa Gensan ay bahagi ng inilunsad na serye ng pag-atake sa mga lungsod ng General Santos, Davao at Makati noong 2005 Valentine’s Day. Umabot sa walo katao ang nasawi at mahigit 150 ang sugatan.

Una nang nahuli sina Gamal Baharan alyas Tapay at Angelo Trinidad alyas Abu Khalil Trinidad, pawang kasama ni Abram. (Joy Cantos)

ABRAM

ABU KHALIL TRINIDAD

ANGELO TRINIDAD

CHIEF DIRECTOR GEN

ELMER ABRAM

ELMER EMRAN

GAMAL BAHARAN

GENERAL SANTOS

GENERAL SANTOS CITY

GENSAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with