^

Bansa

Retake sa Tests 3 at 5 lang – DOLE

-
Nilinaw kahapon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tanging ang Test 3 at Test 5 lamang ng nursing board exam ang ire-retake ng mga nursing students upang makuha ang integridad ng result nito.

Sinabi ni Labor Secretary Arturo Brion na isinumite na niya ang "draft executive order (EO)" sa Malacañang para sa mandatory retake sa 2006 Nursing Licensure Exams.

Nawalan umano ng integridad ang naganap na pagsusulit dahil sa nakumpirmang leakage sa Test 3 (Medical Surgical Nursing) at Test 5 (Psychiatric Mental Health) kaya kinakailangan na sumailalim ang mga estudyante sa retake.

Umaabot sa 17,821 mag-aaral buhat sa 42,000 examinees ang pumasa sa naturang pagsusulit na ginanap nitong nakarang Hunyo 11 at 12. Isasagawa naman ang retake bago o matapos ang susunod na exams sa Board of Nursing na gaganapin ngayong darating na Disyembre.

Samantala, ikinokonsidera rin ni Brion ang dagdag na gastusin sa mga estudyante para sa retake na aabot sa P900 registration fee. (Danilo Garcia)

BOARD OF NURSING

BRION

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

DISYEMBRE

HUNYO

LABOR SECRETARY ARTURO BRION

MEDICAL SURGICAL NURSING

NURSING LICENSURE EXAMS

PSYCHIATRIC MENTAL HEALTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with