LTO hinamon ng motorista
September 26, 2006 | 12:00am
Hinamon ng mga motorista si Land Transportation Office (LTO) Chief Anneli Lontoc na ipakita sa publiko kung talagang matindi ang kampanya laban sa mga nagaganap na iregularidad sa ahensiya.
Ang hakbang ay matapos madiskubre na isang van na malapit sa cashiers office sa LTO ay ginagamit na opisina para maglaan ng serbisyo para sa drug testing , insurance coverage at emission test.
Kinuwestyon din ng naturang grupo kung bakit ang naturang modus-operandi ay hindi nalalaman ni Lontoc gayung ang naturang van ay malapit lamang sa mismong opisina ng LTO chief na nasa loob ng compound ng central Office ng ahensiya.
Naghihinala ang ilan na may kakutsabang tiwaling tauhan ng LTO ang sindikato kaya walang habas na naisasagawa ang modus.
Nauna nang nagbanta si Lontoc na kanyang sisipain sa puwesto at parurusahan ang sinumang tauhan na hindi gumagawa ng maganda sa ilalim ng kanyang administrasyon. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended