^

Bansa

AFP walang ebidensiyang patay na si Janjalani at Patek

-
Wala pang matibay na ebidensiyang mapanghahawakan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na magpapatunay na napatay nga sa opensiba ng militar sa lalawigan ng Sulu sina Abu Sayyaf chieftain Khadaffy Janjalani at ang Jemaah Isamiyah terrorist na si Umar Patek.

Sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr. na hangga’t hindi narerekober ng tropa ng militar ang bangkay nina Janjalani at Patek ay iisipin nilang buhay pa ang mga ito.

Si Patek ay may patong sa ulong $1M at isa sa hinihinalang mastermind sa Bali bombing sa Indonesia noong Oktubre 2002 na pumatay ng mahigit 200 katao.

Si Janjalani ay maraming beses ng napaulat na napatay sa crackdown operation ng militar kung saan ang panghuli ay noong 2004 sa Central Mindanao pero napatunayang nakatakas at nakalipat ng taguan sa bahagi ng Sulu. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CENTRAL MINDANAO

CHIEF OF STAFF GEN

JEMAAH ISAMIYAH

JOY CANTOS

KHADAFFY JANJALANI

SI JANJALANI

SI PATEK

UMAR PATEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with