Petisyon sa Piatco pinababasura
September 9, 2006 | 12:00am
Hiniling ni Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina sa Supreme Court (SC) na ibasura nito ang petition ng gobyerno na tuluyan ng alisin ang ipinataw na temporary restraining order ng Court of Appeals (CA) na nagpapahinto sa bayaran ng pamahalaan at ng Philippine International Air Terminals Company Inc. (PIATCO) para sa NAIA Terminal 3. Sa 16-pahinang motion to dismiss ni Baterina sa pamamagitan ng abogado nitong si Atty. Jose Bernas, sinabi nito na walang merito ang petition for certiorari ng Office of the Solicitor General (OSG). Isa rin umanong forum shopping ang ginawang pagtakbo ng OSG sa SC at wala rin umanong bagong argumento na naihain dahil ang nakasaad sa naturang petition ay nakasaad na rin sa "urgent motion to lift TRO" na isinumite nito sa CA. Hindi rin umano dapat kuwestiyunin si Baterina sa pagnanais nitong maging intervenor sa kaso dahil una ng idineklara ni Pasay Judge Jesus Mupas na mayroon itong karapatan. (Grace dela Cruz)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended















