^

Bansa

198 lagda nakalap na para sa Con-Ass

-
Ibinunyag kahapon ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte na nakuha na ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 198 lagda ng mga mambabatas upang maisulong ang pag-amiyenda ng Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass).

Ayon kay Villafuerte bagaman at ibinasura ng Comelec ang petisyon para sa People’s Initiative, nagkaroon naman ng pag-asa na matuloy ang Charter change matapos makumpleto ang kinakailangan nilang lagda ng mga mambabatas.

"Buhay na buhay ang Constituent Assembly sa Kongreso at 198  na ang nakapirma," ani Villafuerte, acting president ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi).

Higit pa aniya sa 194 o 195 na lagda na iniuutos ng Konstitusyon ang kanilang nakuha bagaman at puwede pa aniyang umurong ang dalawa sa mga kongresistang lumagda sa hindi ibinunyag na dahilan.

Sinabi naman ni House Majority Leader at Davao City Rep. Prospero Nograles na makikipag-usap na sila sa Senado upang mapag-usapan kung kailan iko-convene ang dalawang kapulungan ng Kongreso bilang Constituent Assembly. (Malou Escudero)

CAMARINES SUR REP

CONSTITUENT ASSEMBLY

DAVAO CITY REP

HOUSE MAJORITY LEADER

KONGRESO

KONSTITUSYON

LUIS VILLAFUERTE

MABABANG KAPULUNGAN

MALAYANG PILIPINO

MALOU ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with