Peluka ng mga kalbong kongresista, pinado-donate
August 31, 2006 | 12:00am
Hinamon kahapon ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos ang mga kalbong kongresista na gumagamit ng peluka na magsakripisyo at i-donate nila ang ka-nilang wig para makatulong sa pagsugpo ng oil spill sa Guimaras. Ayon kay Marcos, mas epektibo ang peluka dahil kalimitan ay makapal at sinsin ang pag-kakagawa nito. Madali naman aniyang mapalitan ang peluka at kayang-kaya ng mga kongresista na bumili ulit ng bagong buhok. Pero hindi tinukoy ni Marcos kung sinu-sino sa 233 miyembro ng Kamara ang gumagamit na ng peluka.Hinikayat din nito ang lahat ng mambabatas na may natural pang buhok na sabay-sabay na magpagupit upang ipakita ang pakikiisa nila sa pagsugpo ng oil spill.
Maari aniyang kunin ang serbisyo nina Ricky Re-yes, Fanny Serrano, Bambi Fuentes, James Cooper at iba pang magagaling na hairdresser upang higit na mapangalagaan ang buhok ng mga kongresista.
"Puwedeng 1Ú2 o 1 inch ang bawas sa buhok ng mga kongresista at kung siya namay walang buhok, puwedeng pass na muna ito," ani Marcos. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended