Nakokolekta Sa Barberya, Beauty Parlors Kulang: Publiko mag-donate na ng sariling buhok PCG
August 27, 2006 | 12:00am
Nananawagan na kahapon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa publiko na mag-donate ng kanilang sariling "buhok" at mga "chicken feathers" upang magamit sa paglilinis sa oil spill sa Guimaras.
Ayon kay PCG Lt. Commander Joseph Coyme, kung ang bawat tao ay magbibigay ng isang dangkal na haba ng buhok ay mapapabilis ang paglilinis sa langis na patuloy na kumakalat sa Guimaras at mga katabi pang bayan nito.
Saku-sakong buhok na ang naibigay ng mga salon owner subalit hindi pa rin ito sapat dahil hindi naman lahat ay nagpapagupit araw-araw.
Natukoy na madaling kapitan ng langis ang mga buhok ng tao at mga balahibo ng manok kaya isa ito sa pamamaraang naisip upang mapabilis ang pagtatanggal ng langis.
Gayunman, kung aasa lang sa makokolektang buhok sa mga barberya, beauty parlor at mga salon ay hindi anya kakayanin dahil sa lawak ng naapektuhan ng oil spill kaya umapela ang PCG sa bawat Pinoy na magkusang mag-donate ng kanilang buhok.
Ayon kay Coyme, ang mga nagnanais na mag-donate ng buhok at balahibo ng manok ay maaaring magtungo sa PCG headquarters sa Roxas boulevard o sa kanilang tanggapan sa Iloilo.
Bukod dito, nagpakalat na rin ang PCG ng mga text mesages para mabilis na maiparating sa taong bayan ang kanilang panawagan.
Inaasahan naman ng PCG na darating bukas ang isang barko mula sa bansang Japan na tutulong sa pag-aahon ng lumubog na oil tanker na MT Solar I.
Sa kasalukuyan ay 6 bayan at tinatayang 3,000 pamilya na ang apektado.
Samantala, natuklasang may apat na taon nang paso ang certificate of competency ng kapitan ng tanker.
Ito ang napag-alaman kahapon ng grupo ng Special Board of Marine Inquiry na pinamumunuan ni SBMI Chairman Danilo Abinoja.
Ayon kay Abinoja, hanggang March 2002 lamang ang General Tanker Familiarization and Advance Training on Chemical Tanker Operation ni Capt. Norberto Aguro.
Bukod kay Aguro ay paso rin ang ilang dokumento at papeles ng mga tripulante ng barko na sina Herminio Renger, Jesse Angel, Reynaldo Torio at Victor Morados.
Wala rin umanong training para hawakan at magpatakbo ng oil tanker si Capt. Aguro dahil ang certificate nito ay Chemical Tanker.
Tiniyak ni Abinoja na magrerekomenda sila ng karampatang parusa para kay Aguro at mga tripulante nito gayundin ang may-ari ng M/T Solar 1 na Sunshine Maritime Development Corp. at ang Petron Corp.
Ayon kay Abinoja, dapat umanong sumipot sa darating na Agosto 29 at 30 ang may-ari ng tanker at representante ng Petron para isalang sa panibagong imbestigasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended