^

Bansa

Retake sa nursing exam ok sa Senado

-
Posibleng suportahan ng Senado ang re-take ng nursing examination kapag napatunayang halos lahat ng test items sa nakaraang pagsusulit ay mayroong leakage.

Sinabi ni Sen. Rodolfo Biazon, chairman ng committee on civil service and government reorganization, pabor ang komite na pakuhanin ng panibagong board exam ang mga nurses matapos isang witness ang nagsabing hindi lamang ang test 3 at 5 ang mayroong leakage kundi maging ang test 1 at 2.

Aniya, padadalhan ng subpoena ng Senado ang mga opisyal ng Professional Regulatory Commission (PRC) at National Bureau of Investigation (NBI) upang dumalo ang mga ito sa ikatlong hearing ng komite sa Miyerkules.

Wika pa ni Biazon, dapat lamang papanagutin ang mga opisyal ng PRC at Board of Nursing (BON) na mapapatunayang sangkot sa "leakage" gayundin ang mga review centers na nakinabang dito.

Layunin ng komite na makabuo ng panukalang batas upang ma-regulate at makontrol ng gobyerno ang mga review centers na sinasabing P100 million business sa bansa.

Sinasabing ang nakinabang sa "leakage" ay ang Gapuz at Inress Review Center na pag-aari ng nag-resign na pangulo ng Philippine Nurses Asso. (PNA) na si George Cordero. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANIYA

BOARD OF NURSING

GEORGE CORDERO

INRESS REVIEW CENTER

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE NURSES ASSO

PROFESSIONAL REGULATORY COMMISSION

RODOLFO BIAZON

RUDY ANDAL

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with